CooL Water BoiLs

<
your name:

url:

your message:

Music Video Codes By VideoCodeZone.com
Free Image Hosting By MySpacePhoto.com

June 3rd, 2005

My Season of the Year

Most of the people I know hate it. I also used to dislike it when I was younger but through time I begun to appreciate its entirety. I even miss its presence and wish it would come soon and now that it has finally in season, I couldn't ask for more.

... raindrops keep fallin' on my head

and just like the guy whose feet are too big for his bed

nothin' seems to fit

those raindrops are fallin on my head , they keep fallin'...

I just can't put into words how I feel when its drizzles touched my face as I stroll down the streets. People run for shields while me engulfs its chilly dews as it flows down my spine and make me shivers.

People abhor rain because of the melancholic atmosphere it exudes and I like that feeling! It's like I'm in a melodramatic-slow-motion way of living life.

I like the breeze it caused. It brings a lot of sensational emotions you can only experience this time of the year.

A confession of ambon on the hellish time of 02:22 PM shelved in PersonaL Hatred as a stickied, favorite post | 8 Gave their Piece

October 6th, 2005

Let's not Join hands

"Let's not join hands" eto na bagong sasabihin ng Pari sa Misa bago mag-ama namin.

May bagong direktiba na pinalabas si Pope Benedict para sa mga Katoliko.

Ayun dun, bawal na daw mag-sign of the cross and kneeling down after you just received communion.

Nilalaman din ng direktiba na hindi na rin maaring magkapit kamay habang inaawit ang "The Lord's Prayer"!

Hindi ko alam kung ito ba ay naglalarawan ng pagiging konserbatibo ng Papa kung saan siya kilala ngunit hindi nga ba kung konserbatibo siya ay mag-aatubili siyang baguhin ang ilang siglo nang tradisyon at nakasanayan ng mga katoliko.

Sa kabilang banda, ang binigay niyang direktiba ay maari ding salamin ng konserbatismo kung ayun sa paniniwala ni Papa Benedict sampu ng kanyang "theologian" na ito  ang sinasabi ng banal na kasulatan na suportado ng doktrina ng simbahan. Na ang kanya lamang ginawa ay ihanay ang maling gawi sa tamang landas ng pananampalataya.

Wala naman akong pakialam dito. Basta may paniniwala ako, sapat na yun.

A confession of ambon on the hellish time of 07:28 AM shelved in Social Perceptions | Pieces of You

September 29th, 2005

Ramdam Ko

Naiinggit ako sa mga taong malaya sa oras. Yung tipong hawak nila ang mga sandali. Buti pa sila, may mga panahon na mag-goodtime.

Naiinggit ako, wala man lang akong extracurricular activities. Wala man lang nakakapagpangiti sa akin dahil alam kong ako lang ang pinaka-espesyal sa puso niya.

Isa akong talunan. Sa tuwing nag-iisa ako at nakakasilay ng magsing-irog, hindi ko alam kung naawa ako sa sarili ko. Sa totoo lang, nalulungkot ako.

Ang hirap.

Kelan kaya ako makakawala?

A confession of ambon on the hellish time of 03:49 PM shelved in PersonaL Hatred | Pieces of You

September 23rd, 2005

Ang Setyembre

Ako lang naman ang gumugulo sa buhay ko.

Ngayon, unti-unti ko na naman nilalapit ang loob kay M. Lagi ko na naman siyang naiisip sa bawat pagtunganga ko lulan ng colorum at tuwing nanaig ang katahimikan sa gabi. Ang gulo ko talaga.

Dahil sa pagbalik escuela, iniwasan ko siya, useless naman kase... wala akong oras na mailalaan at isama mo pa ang kahigpitan ng pera. Dati kinakaya kong di man lang siya kibuin sa buong araw. Dati, naiirita ako tuwing umaalingawngaw ang tinig niya sa kanilang umpukan.

Nalilito pa rin ako at nababagabag.

Inaamin ko, tuwing nagiging hopeless o nagpupuyos ang inis ko kay E, bigla akong napapa-isip "bakit hindi na nga lang ba kay M?". Ayaw kong mabansagang manggagamit.

Nagalit ako kay E dahil hindi man lang siya nagparamdam nung kapanganakan ko. Nagtxt pa ako sa kanya noon pero dinedma nya lang ako. MASAKIT.

Ngayon naiisip ko kung mahal ko pa ngang talaga si E.

Sagot ng puso't isip ko: Frustrated ka lang sa kanya. Tama, ang goal ko na lang ngayon sa darating na mga panahon na kami magtatagpo is to SCREW her nang sa ganun mawala na ang agam-agam ng aking pagkabigo sa pananabik sa kanya.

Sabi ko ngayon: Handa na akong baliwalain sya. Makakaya ko na. Tutulungan ako ni M. Magtutulungan kami para makalimot sa mapapait na karanasan. Magtutulungan kami upang umusbong sa aming dalawa ang pag-ibig na inaasam nino man.

A confession of ambon on the hellish time of 04:34 PM shelved in PersonaL Hatred | Pieces of You

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links